Thursday, November 20, 2008

Great Depression

Okay! So here's how I experienced much depression.

Last Sunday, October 16, 2008, I and my family went to SM Fairview to buy some stuffs, and to eat of course since I was with them. We were supposed to have merienda and we decided to have it in Greenwich. I really love pasta and pizza! Since I can manage, I ordered a Savory Beef and Mushroom Baked Rice Meal (52 pesos). My mother also ordered a family size Greenwich Special (250+ pesos). I really thought I would be full since 4 months before that day, I ordered something like the one stated above and I was full.

I was disappointed. The baked rice meal shrank to half. Four months ago, I can still have my whole spoon dipped in the bowl, but now, it only reached half. Also, the bowl only fitted its underplate unlike before, it exceeded in diameter the plate in it. Although, taste was still the same. :(

The pizza came, and I was again disappointed. It also shrank in diameter and after I ate three slices, I still lingered for more. :(

My disappointment was cancelled when we went to the supermarket. ANG DAMING FREE TASTE!! Kahit papaano, nabusog ako. We also bought this Fruit Salad Drink (30 pesos) and was really creamy and fruity. We also bought Oddballs and I really realized how long it was since I last tasted a real squidball.

I LOVE YOU FOOD

Friday, November 14, 2008

La Salle Experience

Basically, I went to La Salle with eight other people to join a contest. We were divided into three teams - each team comprising of 2 third years and 1 4th year.

.......Okay, umalis kami ng school ng 7 am at nakarating sa La Salle ng 8 30 am, at ang nakakaasar, nagsimula 'yung contest ng 10 30 am. Actually, nagkaroon muna ng elimination test at sobrang napa-**** ako kasi puro Math blah. Siguro ang ratio ng Math to Non-math question eh 10:1. Eh wala akong alam masyado, at kung meron man, sobrang bagal ko. Mabagal na parang ako, nagsosolve ng isang number tapos 'yung dalawa kong kasama eh, nakaka-1/4 na ng isang column ng answer sheet. Ang galing nina Elvis at Raymond!!!!

----Natapos 'yung test ng 12 nn at napa-**** na naman ako kasi gutom na talaga ako. Masarap 'yung lunch - lumpia na masarap. Tapos talagang natuwa ako kasi meron na namang Li'l Donuts - ang isa sa pinakagusto kong donuts. Una, talagang masarap 'yung base plus 'yung flavoring. Pangalawa, nakakatuwa talagang tignan 'yung machine na naghuhulog ng dough sa oil, nagmomove sa donut across, at naghuhulog sa kanya sa drying tray. Una ko siyang natikman sa Subic, sa may harap ng Duty Free, at magmula noon, hinanap-hanap ko na siya.

----Okay! By 1 pm, tinawag na kami sa Waldo Perfecto Room at talagang kinakabahan. Buti naman lahat ng tatlong Pisay teams nakapasok. Sa contest proper naman, as in napa-**** na naman ako kasi Math overcame Physics and Chemistry. Kahit papaano may nasasagot ako sa Chem at P6 kaya lang kapag Math, sobrang nakatulala lang ako sa problem.

***Natapos 'yung contest by 4 pm at nakarating na kami ng Pisay ng 5 30 pm. Sumabay ako kay Nico pauwi kasi mas malapit kung susunduin ako sa bahay niya. Napakasaya ng aming usapan kasi ang aming topic ay ang aking good old friend - Lyndon Marcus B. Baluyot (I-Ruby, II-Sampaguita, III-Strontium). Siya ang taong magpapatunay sa iyo that "First impressions do never last!!" :D (PEACE, LYNDON!).

Sunday, November 9, 2008

Which Pokemon are You?

I am a Togetic!

Ok? Didn'expect? Pero okay lang!

Pokemon. Hindi ko naman talaga siya ganun kagusto kasi mas tipo ko 'yung mga strategy games na merong weapons and stuff blah. Kahit papaano, naglaro ako ng isang version - Sapphire - at noong una, medyo nagustuhan ko siya kaya lang in the end, kapag tapos na 'yung storyline, sobrang boring siya :(. Kahit di ganun ako nagagandahan sa gameplay, natutuwa naman akong tignan 'yung appearance ng mga Pokemon lalo na 'yung mga Water at Ice type. Favorite na legendary is Dialga. Ang gandang pagmasdan!



End of Pokemon Post

Saturday, November 8, 2008

Sabado de Pasyon

TAE!!!!

This is what I did this Saturday:



-Morning Chemistry
Instructor: Mr. J. Andaya
Topics: Chemical Kinetics, Chemical Equilibria, Organic Chemistry
Absorbed: 75%
My Thoughts: Okay, topics are not that boring, and are interesting if you have a great instructor. :D

-Afternoon Physics
Instructor: Mrs. H. Caintic
Topics: Electrostatics
Absorbed: 50%
My Thoughts: Topic is fine - parang physics ngayon applied to charged particles.

Ang daming stuff at nagpapasalamat ako kina Almira, Vince, Cleo, Mik, at JM na sinamahan ako nung break time to ease out information overload. Sa mga taong binanggit ko, magcomment naman kayo kung mababasa niyo ito!

Thursday, November 6, 2008

Dante's Inferno Test

The Dante's Inferno Test has banished you to the Third Level of Hell!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)Moderate
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)High
Level 2 (Lustful)Very Low
Level 3 (Gluttonous)High
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)Low
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very Low
Level 7 (Violent)Low
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Moderate
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Low

Take the Dante's Inferno Hell Test

No Doubt!

Wednesday, November 5, 2008

Some Idleness

Last weekend, our family went to the province Cagayan to visit our dead relatives. It was a round trip, and we hardly had 24 hours in staying. We left Manila on Friday night (10 pm), arrived by 12 nn, left the province by Sunday (11 am) and arrived in Manila by Monday (4 am). The trip, of course, was very boring, and it really gave me time to think up of things, and reconsidering their presence. Here's what I did in spending my travel time:

1. Nephological Studies

Nephology is the study of clouds, and yah, I spent at least an hour looking at the clouds, thinking up of their shapes, and placing scenes. I was also amazed when I saw fluffy clouds lined together, as if forming a definite structure.

2. Star Gazing

When the night struck, I found time looking at the stars, and fortunately, our return trip entailed traversing Nueva Vizcaya during the evening. Nueva Vizcaya contained the mountainous roads on way to our province, and viewing stars from mountains high was really amazing.

3. Mathematics

Do you remember Burger Machine? How about Minute Burger? These were stalls that once populated Manila and served my hungry stomach. Well, the province have their own versions - Franks, and BigMak. I really had fun counting these stall for each town or city. In fact, these 2 stalls always go side by side in each town as if they do not care about competition whatsoever.

4. Thinking Up Stories

I also used this travel time in thinking up plots for my short story for Fil 3. I used what I was observing as we travel across the countryside - the farmers, etc. Unfortunately, I barely had any idea on what to write.

5. Organic Chemistry

Serious na ito!! I had no choice but study for the Chem. problem set and long test in the province. Fortunately, I was able to do since I had many matters to attend to. For one I went to my cousin's house, watched some horror movies, and talked with him on new stories.

Tuesday, October 28, 2008

Tulang Pasalaysay

Heto ang tulang pasalaysay na ginawa ng group namin for Filipino :D!

HIKBI NG MGA PAHINA

Ano ang sinapit? Kawalan ng rikit!
Sa kapara’y ipit, sinala sa init.
Ito’y siyang hantungan, animo’y hurnuhan
Sa mga aklat na tila alamat na lamang.

Hiling ng nasadlak ay balikan ang lipas,
Sumagwan laban sa agos ng tadhana,
Bumalik sa diyos na nagbigay-buhay,
Bumalik sa among tunay na nagmahal.

Ako’y isang gabing walang buwan ni bituin.
Isip ng lumikha siyang tala sa dilim.
Kamay ang daan sa pagsalin ng buhay.
Tinta at panitik siyang naging patunay.

Sa kanyang tabi, ako ay naging tangi,
Namumukod sa baul ng yama’t salapi.
Hiniling sa langit na ako’y pakinggan.
Nawa’y manatili nang magpakailanman.

Bakit di tinupad yaring panalangin?
Ito’y isang bangungot, sana’y magising!
O panginoon, bakit ako’y nilisan,
At pinagpalit sa mga asul at dilaw?

Sa hurnuhang ito, ngayo’y nag-aabang
Sa kamay na pipinid sa kasalukuyan,
Tanglaw na bubuo ng kinabukasan.
Ako’y naghihintay, O tagapagligtas!

Ano itong namamasdang lumalapit?
Yaring pagkakuha, dala ba ay langit?
Kahong may laso siyang nagsilbing silid.
Ano kaya ang magiging danasin?

Sa yaring silid, ako ay inilabas.
Mukha ng isang bata, sa aki’y tumambad
Ngunit bakit ganito, ang mukha’y kunot.
Sa ere ay lumipad, semento ang lusot.

Sa papag ngayon ay hapis at pighati.
Inakalang tanglaw, isa palang dilim.
Hapdi’y nadarama tuwing masusulyap
Ang bagong among walang pakialam.

Ngayo’y nasa silid ng mga nilimot.
Sa tabi ay mga larua’t abubot.
Wari’y bumalik sa hurnuhang pinagmulan.
Mas masikip, mas mainit, mas nasasaktan!

At ang amo ay walang ginawa
Kundi maglaro at hindi magbasa.
Anong magagawa ng inayawan
Kundi masadlak sa impyerno’t mamatay?

Panaho’y lumipas, tila walang katapusan.
Tuluyan nang maglalaho sa kadiliman!
Ngunit ano ito? Isang silahis ng araw?
Muling sinilid sa ibang sisidlan.

Hiling ng sariling gula-gulanit na,
Nawa ay balutin ng pagkalinga.
Sana itong bagong tahanan
Ay katulad na ng sa nakaraan!

Isang kabaliwan ang dumagsa sa isip!
Isang kawalan pala ang tunguhin
Kung saan umaalingasaw ang samyo,
At nagsisiliparan ang mga insekto.

Walang duda na ang pag-asa’y lamat na lang.
Hindi na muling makababangon sa kinabagskan.
Ngunit ano itong namamasid na lumalapit?
Sa isang iglap, isang kamay ang sumalat sa akin.

Isang batang wari’y alikabok na malaki,
Punit ang damit, namumutiktik sa dumi.
Ang samyo’y katulad sa aking sisidlan.
O anong habag sa magkaparang kapalaran!

At sa sandaling iyon, ang mundo’y nagbunyi!
Isang aklat at isang gusgusi’y nagsanib.
Ang aklat kailanma’y di na nagpalipat-lipat.
Ang batang kumalinga di na napariwara.

Kinabukasan ay siya ng naisulat.
Ang aklat at bata’y bubuo ng isang bukas
At kasabay ng pagsatitik ng kasaysayan,
Naisusulat ang kapalaran ng sanlibutan!

Monday, October 27, 2008

DotA Experience

....... Wala na akong maisip na mai-post kaya ikukuwento ko na lang ang aking DotA experiences. Sa totoo lang, tatlong beses pa lang akong naglalaro at napakawalang kuwenta ako kung maglaro.......

....... Sa pagkakaalala ko, ang mga heroes na ginamit ko 'nung naglaro ako ay sina Rylai Crestfall (Crystal Maiden), Obsidian Destroyer, and Mirana Nightshade, at sa totoo lang, wala akong kaalam-alam kung papaano ba gamitin ang skills nila..........


....... Sa pagakakaalala ko, nakakalimang respawn ako bago maglevel-up. Sa madaling sabi, mas nakaka-consume ng time 'yung revival kaysa sa game proper itself. Ewan ko lang pero baka itong fast deaths ko ay dahil hindi ko rin alam ang mga items and recipes na dinadakdak ng mga kaibigan ko.........

....... Sa pagkakaalala ko, may isa akong ginawa 'nung naglalaro ako na hindi ko inasahan na hindi pala dapat gawin. Habang dinadala ko 'yung hero ko papunta sa aking mga kasama, napadaan ako sa may gitna ng battlefield. Ewan ko pero inatake ko na lang bigla 'yung kalaban doon nang hindi tinitignan ang stats niya. Huli ko ng nalaman na 'yun pala ay isang Level 25 na Roshan........

...... Sa pagkakaalala ko, nakapaglaro lang ako ng DotA dahil nilibre ako ng mga pinsan ko ng tatlong beses sa computer shop (isang oras), at iyung tatlong pagkakataon na 'yun lang ako nagDotA. Sayang kasi bente, eh. Pang-Buy One, Take One na hamburger sa may kanto namin, na lang sana........

...... Sa mga panahon na ito, isa raw akong Dota people sabi ng friend ko. I think second to the last level siya (last: DotA Newbie). Tapos sabi niya, sunod daw sa Dota people, ay masters tapos lords tapos god. Ewan.......

....... :D


Sunday, October 26, 2008

Ateneo SOSE Xperience - Part 4

.....
Ok! Lunch na ulit, at TGIF pa rin ulit ung pagkain. Sa pagkakaalala ko, chicken 'yung dish na may kasamang brownies. Lunches always complete the days. Tapos may libreng tumbler ulit kaya may paglalaruan na naman little brother ko. Gaya ng Day 1, naglibut-libot lang kami around Ateneo - usual locations - sa caf kung saan bumili ulit ako 'nung donuts, sa bookstore, etc. By 1 pm, nagstart na 'yung session.

Act. 3 - Mathematics

Haynaku! Boring session on Pascal's triangle but that's only the first part! 'Nung matatapos na 'yung session, nagkaroon ng card tricks concerning probability, and combinatorics, of course. Masaya siyang panoorin kaya nga lang kasi, hapon 'yung session, kaya sobra akong nagpipigil na matulog.

Act. 4 - Physics

'Eto na siya! Akala ko pa naman hindi kasama sa list ng activities. It turned I was wrong. Bakit kasi ito pa ang finale?!?! Subject was about optics and Three-Dimension. Di ko trip 'yung activity kaya sobra akong nagpaka-idle. Ang galing naman 'nung instructor. 20s pa lang ang age niya pero Ph. D. na siya in Physics tapos marami na rin siyang napuntahang countries.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Bago matapos nang tuluyan ang activity na ito, nagkaroon ng team-building activities. May paper na ipapasa sa lahat ng kasama tapos lahat lalagyan ng comment. Since mga 30 kaming nandun, sobrang nakakapagod magsulat nang paulit-ulit na "Good luck!", "May you have a good future!", and the like. Wala naman kasi akong naka-close sa kanila. Binigay sa amin 'yung yogurt culture, at paglabas namin, may pizza na nag-abang. Kay sarap talaga ng pagkain!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

-THE END!!-

Saturday, October 25, 2008

Ateneo SOSE Xpereience - Part 3

Day 2

Nalate ako ng mga 45 minutes kasi tinatamad akong gumising saka traffic 'yung papasok ng Ateneo. Umikot pa tuloy dad ko hanggang SM Marikina para lang maka-U-turn papunta sa Ateneo gate. Pagdating ko, marami ng tao at after 15 minutes, nagsimula na 'yung sessions. Buti nga may makakausap na ako noon. Ka-block ko na si Rachelle.

Act. 1 - Computer Science

WALANG KWENTANG SESSION! Pagkakaalala ko, pag-uusapan niya dapat HTML, tapos naging C++, tapos ewan, di ko na alam. Di ko siya marinig at di ko siya maintindihan. Nakipag-usap na lang ako sa katabi ko para hindi antukin. Bago umalis, naalala ko na naglalaro sila ng Tic-Tac-Toe sa computer and that's it! Oo nga pala. Kakaiba ang CS building nila kasi 'yun'yung pinakaluma. Sabi nila, 'yun pa raw 'yung pinakamatibay.

Act. 2 - Chemistry

Bago makarating sa room, naglakad kami sa isang walkway sa bubong ng isa pang walkway. Ang galing nga, eh. Akala ko hindi 'yun nilalakaran. Ang session na ito, walang duda, ang PINAKAMAKABULUHAN at PINAKAMASAYANG session!! Excellent topic + Excellent teacher = EXCELLENT!! Ang galing talaga ng instructor. Hindi ako inantok. Tuloy-tuloy magsalita. Hindi madaling nawawala sa track. Malakas ang boses. Marami siyang pinakitang Chem. activities gaya ng catalytic decomposition of hydrogen peroxide with iodine ions (maraming hydrogen/oxygen gas ang nagresult and trapped in bubbles), flash freezing using liquid nitrogen kung saan parang dinurog ng pino ang isang dahon, and changing balloon volumes by changing temperatures. Tapos may parang challenge kung saan merong isa sa amin ang patatayuin na may inverted cup of water. Hindi tumapon kasi meron pa lang powder na dinagdag sa cup na kapareho ng nasa diapers. The powder holds the water in place eventually solidifying it. Finally, the best of all activities - ICE CREAM MAKING! Cookies 'n cream completed my day tapos sobrang creamy niya kasi purong cream 'yung ginamit (walang gatas)! Dahil sa session na 'yun, lalo akong naenganyong mag-Chem course! Oo nga pala, voted siya ng lahat ng participants as the BEST ACTIVITY kaya hindi ako biased.

-

END OF PART 3- To be continued....

Friday, October 24, 2008

Ateneo SOSE Xperience - Part 2

.......

Sobrang late na itong post na ito kasi naman ginawa ko lang iyong part 1 para kumpletuhin ung ten posts. Since kailangan na naman ng additional 5 posts, itutuloy ko na ito hanggang katapusan.

So pagkatapos ng Bio activity, kumain kami ng lunch (Yey!). TGIF iyong food tapos unang beses kung makakain ng ganun. Sa pagkakaalala ko, ang kinain namin ay fish fillet, porkchop, and brownie. Masarap sila except masyadong matigas iyong porkchop. Tapos merong iced tea with free tumbler (Yay!). Between 12:00 - 1:00, naglibot-libot muna kami sa university - sa caf, sa bookstore, etc. Sa caf nakita ko 'yung isa sa favorite donuts ko na una kung natikman sa probinsya! Nung 1 pm na, nagresume na ulit 'yung discussions.

Act. 3 - Computer Science

The discussion's all about object-oriented programming - 'yung sinasabi ng kasama ko na napakalayo kumpara sa Javascript ko. Actually, para siyang tutorials on OOP kung saan real-life objects and events 'yung ginamit as mga elements noong OOP. It was just an introduction to the different elements of OOP - methods, objects, etc.

Act. 4 - Health Sciences

Topic is on Diet Planning.... at ano naman ang pakialam ko sa DIET!! Kain lang ng kain dapat!! Technically, the discussion was on the concept of a healthy diet - food groups, daily allowances, health statistics and trivia. One of the least enjoyble talks for this activity as a whole.

.....

4 pm na noong natapos 'yung Activity 4. Akala ko tapos na. Iyon pala - may pahabol na talk pa by Ateneo grads and their words on success and stuff - magis, overall excellence, failures, etc. Pagkatapos noon, meron isang team-building activity. Nagform kami ng circle tapos nagpaikot-ikot hanggang maging spiral. Tapos, kailang lumabasa ang bawat isa mula sa pinakaloob ng spiral palabas.

-End of Part 2- TO BE CONTINUED....

Saturday, September 27, 2008

Ateneo SOSE Xperience - Part 1

Wah! 2 day lecture/training/team-building activity siya sa Ateneo! Ginanap siya last September 20 and this Saturday, September 27. Maraming schools ang kasama. List includes Pisay, Masci, Colegio de San Agustin, Xavier, Assumption, Uno HS, Claret, .... (Sori, di ko na maalala ung iba!!). Oh well, it's the experience that counts. By the way, kasama ko sina Rachelle at Lance.

Day 1

Ok. Kala ko late na ako kasi 8 am magstart ung activities tapos 7 30 am ung registration. Exaggerated lang pala ako. Siguro mga 30 minutes din kami nag-usap ni Rachelle habang naghihintay na magstart ung program proper at dumating sina Mam Salac at Lance. By 8 15 am, nagkaroon ng ice breaker na activity na ewan na getting-to-know. Tapos nagkaroon ng picture taking after nun. Periodic table na background. Ahehe...So 9 am na. Nahati kami sa dalawang blocks - block SO and block SE (my block). Mag-isa lang akong Pisay kaya medyo nabore ako dahil wala akong makausap kung boring iyung teacher o iyung subject.

Act 1. Environmental Science

So ito ung first lecture by Dr.Perez. Medyo boring ung class na ito mostly dahil nacover na ung topic na tinuro niya - Water: A Vital Resource ni Mam Andaya sa mga Ensci ppl. Kaya nga lang, fun siya nung huli kasi inilabas na ng Ateneo ang kanilang "state-of-the-art" tech gaya ng water analyzer. Tapos me microscope thing pa kung saan nakakita uli ako ng mga protists (I miss Bio 1!!).

Act 2. Biology

Nagstart ung lecture by 10:30 sa isang Botany lab na mas conducive to learning kaysa mga Bio rooms natin. Lecturer was Mr.Russell na kamukha ni Sir Calsado (pramis!!). So yogurt making session siya kung saan ipinakita niya ung bacterial culture na gagamitin for fermentation: Lactobacillus vulcanicus and Streptococcus thermophilus Di ko lang sure kung napagbaliktad ko ung species names :D So ayun. Nakapag-uwi ako kaya lang di ko pa tinitikman.

To be continued......

Friday, September 26, 2008

Ninth Post

Waaahhhh......... Pang-apat ako sa elocution ngayon - kasunod ni Joed. Kahiya-hiya ako. Habang pinanonood ko nung Martes iyung mga nagpresent.. unti-unti nawala ang self-esteem ko 5%/min. Nung Martes, una si Franco. Ang galing niya sobra kaya lang di ko na inintindi 'yung sinasabi niya. Ang tingin ko, adik o psycho 'yung pinoportray niya! Tapos si Nico. Nag-ala Roman ruler naman siya. Ang galing rin niya, parang siya talaga 'yung ruler! Tapos si Castro! Adik magmura - in character sa elocution! Tapos si MSK! 'Eto ang pinakamahaba so far - 6 minutes actually. Nakakatakot siya. Para talagang siya 'yung murderer na nasa 'yung speech. Tapos ako pa 'yung lagi niyang tinitignan tuwing sinasabi niya 'yung mga dahilan kung bakit siya pumatay! Tapos si Elkan! Sayang nakalimutan niya 'yung peace. Akala ko tuloy mag-eelocution ako that day kasi nabawasan na 'yung time. Tapos si Niccolo! Adik! Sabi ni Mik, dineclaim na raw niya 'yun ng elementary siya! Tapos si Marielle! Lesbo 'yung nasa speech kaya nga lang bigla niyang nalimot 'nung patapos na 'yung speech. Tapos si Sam! By that time, hindi na ako nagpapay attention kasi sobra na akong kinakabahan na baka umabot sa akin. It turned out na 1st bell na tapos si MG na lang. Adik! 'Nung last part na lang 'nung speech ko nalaman na babae pala pinoportray niya.

Yehey! Isang post na lang TAPOS NA ITO!!!!!!!

Thursday, September 25, 2008

Fave Statements

Ewan ko lang... Wala akong masulat... Eto na lang.... Mga paborito kong sabihin:
1. "Tae!". Ahehehehe......Sinasabi ko ito kapag may mga nangyaring kagitla-gitla - lalo na kung nakakaasar at nakatutuwang isipin. Halimbawa, noong kwinento sa akin ng mga tao na sumayaw daw si ganito sa isang party, napapasabi na lang ako ng ganun.
2. "That's life". Ito naman sinasabi ko sa mga taong nakararanas ng matinding hirap at kawalan ng hustisya sa ating buhay habang ako naman ay papetik-petik lang sa bagay na iyon. Halimbawa, sinabi ko ito sa isang Java guy noong nagrereklamo siya sa pagkakaiba ng difficulty levels ng Java at JavaScript.
3. "Tao ka!!" Di ko rin alam kung bakit ko sinasabi ito, at kung ano ang kahulugan nito. Basta nasasabi ko ito kapag sinagad na ng isang tao ang pasensya ko either dahil talagang pinagtitripan ako o kaya naman dahil ang hirap niyang kausapin tungkol sa isang group work. Sabi nung friend ko, ang intindi daw niya rito ay para daw bang sinasabi ko sa kausap ko na tao siya kaya nararapat lamang na hindi niya gawin ang mga bagay na kinaasaran ko sa kanya.
So there...iyan ang mga hilig kong sabihin pero siyempre, meron pang iba kaya nga lang, hindi sila magandang sabihin at isulat rito kaya huwag na lang.

Monday, September 22, 2008

Isang Araw ng ka-OT-han....

Waaah........Ang ewan ng araw ko ngayon.



Ginawa ko itong blog entry for three reasons. Una, dahil requirement na naman siya ni Sir Binx. Pangalawa, dahil merong isang babae na pinipilit akong magpost ng bago (kaya kung mababasa mo ito, magcomment ka!!!!). Pangatlo, weird lang kasi itong araw na ito.




Ahahaha...Wala lang. Mula umaga hanggang hapon, wala akong ginawa kundi kumanta ng isang segment ng opening song ng Detective Conan Season 1. Para nga akong sirang plaka, eh. Tapos, for some reason, medyo naaadik ako ngayon sa mga kabrutalan. Ang saya magbasa ng Detective Conan manga sa net lalo na iyong merong brutal na murders. Ang saya saya! Tapos last Saturday, I watched something na cute brutality: Happy Tree Friends. First time kong manood nun at nung napanood ko iyon, di ko na siya maalis sa isip ko.



Haaaaay............



Natapos ang araw na ito sa pagbalik ko sa kanerdohan.

Friday, September 12, 2008

Five Things to Know About Me - Set A

1) I really, really like Biology and Chemistry, and how much I like them equals how much I hate Physics. Malamang marami ng nakakaalam nito. Bio topics na talagang gusto ko ay Human Anatomy and Physiology (Bio 2 in short). Sa Chem naman, gusto ko yung mga topics na malayo sa Physics (eg. chemical reactions). Hehe.. peace mga Prob-Based P6 people.


2) I really, really like Detective Conan (manga and anime). Hindi ko alam kung bakit pero medyo naadik ako sa Detective Conan. Nakakatuwa kasing isipin na meron pa lang iba pang mga murder methods na mas brutal at creative kaysa mga ginagamit ngayon. Nakakasawa na kasi eh. Laging kutsilyo, o kaya naman baril.





3) I usually do not play computer games and all those other recreational stuff. Siguro ganito rin ang iniisip ng iba sa akin. Totoo naman iyon pero hindi dahil sa ayaw ko pero dahil wala naman akong resources and skills para doon. Sayang kasi sa pera eh kung bibili ng iPod o kaya PSP. Naisip ko na gamitin na lang iyon para sa mas makabuluhang bagay gaya ng pagkain. Kung ako naman kasi papipiliin, mas gusto ko ang pagkain kesa mga gadgets and stuff.



4) My favorite ice cream flavor is strawberry. Wala lang akong maidagdag kaya nasulat ko ito. Una ko siyang natikman noong nagbirthday pinsan ko at after kong matikman yon, sobra akong naadik kaya nagpabalik-balik ako. Lasa kasi siyang yogurt na masarap sa akin. Kaya nga nung Ramayana practice sa bahay ni Gaby, tuwang-tuwa ako kasi me strawberry ice cream. Kaya nga lang, nahiya ako kaya hindi ako kumuha ng marami :( Tapos kanina lang, nadisappoint ako dun sa strawberry ice cream na binebenta sa caf kasi wala siyang kalasa-lasa. Sayang diyes ko!!!



5) I also feel sad unlike what everyone says. Sabi nung iba, lagi daw akong masaya. Masayahing tao raw ako - walang emo moments ba. Kala lang nila iyon. Siguro, mga 15 minutes for three days in a week, nakakaramdam rin naman ako ng kalungkutan. Hindi iyong tipong dahil may mababa akong test pero dahil talagang nalulungkot ako. Yung tipong parang may kulang. Hindi naman talaga siya emo times. Moments of deep thinking. At habang ginagawa ko iyon, naglalakad ako around SHB ground floor. Usually, ito yung after dismissal kung kailan sarado na ang lib at yung mga kasamahan ko ay nasa dorm na. Doon ko talaga nararamdaman ang pag-iisa kasi wala ng pinanggagalingan ng interes.

Saturday, September 6, 2008

Cause for a Talent, Talent for a Cause

Hehehehehe.........

Catchy statement, diba?! Hindi naman ganun kahirap iyong meaning noong statement. It just goes like this:

"Ang mga tao'y nagkaisa para sa isang layong mapasama ang kanilang mga manok sa talent show sa mga magprepresent at mapaalis ang mga taong sa tingin nila'y hindi worth magpresent. Ang mga talents na nagpresent naman ay nagkaisa sa isang layong makakalap ng malaking halaga upang matulungan ang mga nangangailangan. :D "

Very clear, right?! I hope so!

The talent show yesterday, September 5, 2008, in the PSHS Multipurpose Gymnasium, was realy fun watching. It started off with a short introduction by Ms. F. Anda who organized this whole thing. The intro actually talked about some of the recent successes of the fundraising programs they had in which proceeds went to the needy people. After the intro, the program finally began with the floor managers Mam Liz and Sir Alfer. Anggaling nilang mag-host!!!! All in all, there were 10 performances - 5 student, and 5 teacher. I admit that what really made me excited were the teacher performances. I was a bit bored with the student performances especially from the third until the last (hindi kasi Batch 2010 eh) >.<.

Here's a roll of the student performance and what I think about them.

The first performance was by then K-band whose presentation was fun with their stories and jokes. Second was by Isabel Serrano. She has a really good voice. Third was by the Mongrel Band of Batch 2011. Fourth was by the fourth year band whose name I can't remember. I admit I didn't watch them since I went down at that time to exchange my chits with money. The last was by Adriel Cheng of Batch 2012.

Whew! Now, here's a roll of the teacher performances!!! :D

First was the English unit. Their number was really, REALLY fun watching. KUMANTA KASI SI SIR ARGHS!!!!!! :D Second was the Physics Unit. I can't say anything. They've got talent: singing + dancing ++++++++++++ WHISTLING (c/o SIR LIM!!! :D). Third was by a group of staff, teachers, and other faculty members who danced to the beat of ABBA songs. Whew! Sumayaw so MAM DOCTO!!! Fourth was by Mam Dacs and Sir Guce. Anggaling nila!!!! Last, but DEFINITELY not the least was the Math Unit. They did have a very short presentation (two minutes I think) but that short time was definitely worth it. The two minutes was filled with excitement and live action as seen in the students and the teacher presentors as well. Loud music, and strong dances. What could we ask more? Woohoo!! Nag-ala-gymnastics pa si Mam De Joya!!! :D

And that was my very, very happy end for the Humanities Week. I really hope that next year's Humanities Week would be more fun and less boring.

Friday, September 5, 2008

Third "Third" ?!!?!!

Three...Tatlo...Tres...Tre....Trois....ثلاثة....три....tři.....drie....kolme.....drei.....τρεις
.....तीन.....trzy.....trei......And some other foreign translations of the word "three".

Feeling ko tuloy, pagkatapos ng nangyari last Wednesday, number 3 na ang lucky number ko.

The number 3 have really played important roles in many aspects of life especially in religions, in philosophies, and in mythologies. Mythological characters usually come in triples (eg. Hindu Major Deities: Brahma // Vishnu // Shiva ; Greek Fates: Clotho // Lachesis // Atropos; Greek Major Gods: Zeus (sky) // Poseidon (sea) // Hades (underworld) ). Religious precepts and doctrines are usually made in three's as well(eg. Christian "Trinity"(Father, Son, and Holy Spirit); Buddhist Triple Gem).

The number 3 is both considered lucky and unlucky. The Chinese believe it to be lucky for it sounds like the Chinese word "alive". Counts before synchronous acts are usually done in three. However, some cultures consider 3 as unlucky. One famous superstition in the Philippines is that pictures should never be taken on three persons. They say that the person in the center of the picture will die while the other two will experience a cursed life.


Well here's a thought really circling my mind. This Wednesday of the Humanities Week, September 3, 2008, my class Strontium won 3rd place in the "Di-Kumbensyonal na Musika" competition with our upbeat song Apoy. Last year Humanities Week, my class Jasmin won as well 3rd place in the "Katutubong Sayaw" contest with our thrilling Sayaw sa Bangko. Two years ago, my class Topaz won as well 3rd place in the "Kilos-Awit" competition with the song Sandalan. See, this year was my 3rd "3rd place" for the Filipino class competitions during the Humanities Week.


I really hope that next year, there would be something new - something like 2nd or even 1st place for the "Sayaw Interpretasyon" competition for the 4th years. :D :D O kaya naman kahit 3rd, oks lng - basta top 3. :D :D



Sources:

http://en.wikipedia.org

http://translate.google.com

Thursday, September 4, 2008

"Life is Beautiful!!"

Ito yung title ng movie na pinanood ko nung ACLE Selections - Day 2 of Humanities Week. Akala ko talaga makakatulog ako sa panonood ng movie na 'toh. Title pa lang kasi, mukha ng dramatic at all-cry. Plano ko naman talaga iyon nung nagsign-up ako for ACLE - ang matulog nang matagal at magpahinga sa isang napakalamig na airconditioned Learning Center :D. Kaya lang, pagkatapos kong magsign-up, narealize kong gusto ko ng masayang ACLE kaya tinanong ko si Mam Anda kung pwedeng magpalit ng ACLE. Sumagot siya ng isang line na hindi ko maalala ng isa na namang philosopher na hindi ko rin maalala na ang point eh, Hindi na pwedeng magpalit ! :(( Wala akong nagawa kundi maglook forward sa isang boring Tuesday morning - forum + this ACLE. Mali pala ako!!!!! Comedy yung movie almost throughout kaya hindi siya ganun kaboring para sa akin. Movie's set in Italy - probably, the World Wars period. Hati yung movie. First part talks about the everyday lives and the distinct culture and character of the Italians before the warring periods. Second part, on the other hand, talks about the hardships encountered by the Jewish in Italy during the warring periods. The main character is a Jewish dude living in Italy in order to work as a waiter in the fine resto his uncle is working under. Siya yung "comedian" ng story. Kaya siya nakakatawa dahil sa pagka-"autistic" niya in an enjoyable way - not so annoying. Later in the story, this Jewish dude married an Italian lady, Dora, who was supposed to be married off to some government guy. They had a son they named Joshua. Finally, when the war came, Joshua's family experienced a grave horror when they were all forced to move to the concentration camps led by the Germans. The Jewish were, at that time, extremely discriminated. The fun part here for me was that the Jewish father tries to make this horror story a game for his son, with a real tank as a first prize if they were the first ones to gain 1 000 points. Naliligtas niya yung bata dahil nagagawa niyang pataguin ito at umakto nang walang takot dahil nga laro lang ang tingin nung bata. The children in the camps were supposed to be cooked alive in large ovens to be manufactured as soaps or buttons. Pero dahil nga nakakatago siya, naligtas siya accidentally. The Jewish dude also remained a husband to his wife even if they were separated in the camp (they were sorted out when they entered). Binalik niya yung mga happy memories thru that old-fashioned music player (di ko alam tawag dun) and overhead announcers. In the end, the Jewish father did his greaters act, that is, sacrifice his own life to save his son and his wife. Actually, iyon lang yung nakita kong dramatic segment nung movie :). By the way, this movie was narrated by Joshua, the son of the Jewish dude. Hope you can watch this movie!!!!!!!

Monday, September 1, 2008

A Boring Sunday and a Happy Monday

Ugghhhhhh................


I'm very very sick. Persistent coughs, DRY COUGHS. Temperatures hitting up to 39.50 degrees Celsius!!! (which is equal to 312.65 Kelvin). I stayed in bed for about 18 hours sleeping, daydreaming, or watching television. Sa madaling sabi, sobrang nakakabagot ang Sunday na iyon. Fever was relapsing. When I stay in bed completely doing nothing, my body temp. stays at around 38 C but when I stand up or watch TV, my temp. rises to about 39 C!!! I had no choice but to bore myself >.< Hey! There was a bright side to this. For one, I've got a whole day doing nothing - no school work or any worries in my head. In fact, I decided not to go to school on the following Monday - more rest! :D Hehe! Good thing I already feel fine this Monday so I can watch TV or surf the net! :D :D Yehey!!! Most of all, more quantity time with my family. For the past few months, I really did have any time for my parents and my younger brother because I really concentrated myself in studies :P. This vacation gave me spend more time with my family. Speaking of coughs, I interested myself in the chemistry of cough syrups. The cough syrup I drank was Robitussin® DM. Here's what I found.....
  • There are two types of cough-relievers found in cough medicines: antitussives, or suppressants, and expectorants.
  • Antitussives are used in relieving dry coughs wherein the urge to cough out is suppressed.
  • Expectorants are used in relieving phlegm-producing coughs wherein mucus in the respiratory tract is loosened so that it can be easily coughed out.
  • Robitussin® DM contains two cough-relieving substances: dextromethorphan, and guaifenesin. Dextromethorphan is an antitussive while guaifenesin is an expectorant. These two substances work together not only to relieve cough but also to cure it at some point
Sources:

Friday, August 29, 2008

A First !


Okay!! So this is the first post of my very first blog!! YEHEY ! Uhm..... I really do not have any idea what to write in this blog. The author of this blog, ME, may be called Mister Uga, Dear Readers!! I have other identities as well. There's Ralph, Uga, Oga (by some girl!), and Ugi (by Anton! XD). Probably, I'll just write about my BEST experiences and encounters. Of course, some of the posts may have some NERD stuff!!! Don't worry, I'll put some sort of WARNING sign on a nerdy post to prevent any possible nosebleed cases!



Hope readers will enjoy this blog.... especially the nerd classes!



Yours truly,

Mister Uga