.......Okay, umalis kami ng school ng 7 am at nakarating sa La Salle ng 8 30 am, at ang nakakaasar, nagsimula 'yung contest ng 10 30 am. Actually, nagkaroon muna ng elimination test at sobrang napa-**** ako kasi puro Math blah. Siguro ang ratio ng Math to Non-math question eh 10:1. Eh wala akong alam masyado, at kung meron man, sobrang bagal ko. Mabagal na parang ako, nagsosolve ng isang number tapos 'yung dalawa kong kasama eh, nakaka-1/4 na ng isang column ng answer sheet. Ang galing nina Elvis at Raymond!!!!
----Natapos 'yung test ng 12 nn at napa-**** na naman ako kasi gutom na talaga ako. Masarap 'yung lunch - lumpia na masarap. Tapos talagang natuwa ako kasi meron na namang Li'l Donuts - ang isa sa pinakagusto kong donuts. Una, talagang masarap 'yung base plus 'yung flavoring. Pangalawa, nakakatuwa talagang tignan 'yung machine na naghuhulog ng dough sa oil, nagmomove sa donut across, at naghuhulog sa kanya sa drying tray. Una ko siyang natikman sa Subic, sa may harap ng Duty Free, at magmula noon, hinanap-hanap ko na siya.
----Okay! By 1 pm, tinawag na kami sa Waldo Perfecto Room at talagang kinakabahan. Buti naman lahat ng tatlong Pisay teams nakapasok. Sa contest proper naman, as in napa-**** na naman ako kasi Math overcame Physics and Chemistry. Kahit papaano may nasasagot ako sa Chem at P6 kaya lang kapag Math, sobrang nakatulala lang ako sa problem.
***Natapos 'yung contest by 4 pm at nakarating na kami ng Pisay ng 5 30 pm. Sumabay ako kay Nico pauwi kasi mas malapit kung susunduin ako sa bahay niya. Napakasaya ng aming usapan kasi ang aming topic ay ang aking good old friend - Lyndon Marcus B. Baluyot (I-Ruby, II-Sampaguita, III-Strontium). Siya ang taong magpapatunay sa iyo that "First impressions do never last!!" :D (PEACE, LYNDON!).
No comments:
Post a Comment