Nalate ako ng mga 45 minutes kasi tinatamad akong gumising saka traffic 'yung papasok ng Ateneo. Umikot pa tuloy dad ko hanggang SM Marikina para lang maka-U-turn papunta sa Ateneo gate. Pagdating ko, marami ng tao at after 15 minutes, nagsimula na 'yung sessions. Buti nga may makakausap na ako noon. Ka-block ko na si Rachelle.
Act. 1 - Computer Science
WALANG KWENTANG SESSION! Pagkakaalala ko, pag-uusapan niya dapat HTML, tapos naging C++, tapos ewan, di ko na alam. Di ko siya marinig at di ko siya maintindihan. Nakipag-usap na lang ako sa katabi ko para hindi antukin. Bago umalis, naalala ko na naglalaro sila ng Tic-Tac-Toe sa computer and that's it! Oo nga pala. Kakaiba ang CS building nila kasi 'yun'yung pinakaluma. Sabi nila, 'yun pa raw 'yung pinakamatibay.
Act. 2 - Chemistry
Bago makarating sa room, naglakad kami sa isang walkway sa bubong ng isa pang walkway. Ang galing nga, eh. Akala ko hindi 'yun nilalakaran. Ang session na ito, walang duda, ang PINAKAMAKABULUHAN at PINAKAMASAYANG session!! Excellent topic + Excellent teacher = EXCELLENT!! Ang galing talaga ng instructor. Hindi ako inantok. Tuloy-tuloy magsalita. Hindi madaling nawawala sa track. Malakas ang boses. Marami siyang pinakitang Chem. activities gaya ng catalytic decomposition of hydrogen peroxide with iodine ions (maraming hydrogen/oxygen gas ang nagresult and trapped in bubbles), flash freezing using liquid nitrogen kung saan parang dinurog ng pino ang isang dahon, and changing balloon volumes by changing temperatures. Tapos may parang challenge kung saan merong isa sa amin ang patatayuin na may inverted cup of water. Hindi tumapon kasi meron pa lang powder na dinagdag sa cup na kapareho ng nasa diapers. The powder holds the water in place eventually solidifying it. Finally, the best of all activities - ICE CREAM MAKING! Cookies 'n cream completed my day tapos sobrang creamy niya kasi purong cream 'yung ginamit (walang gatas)! Dahil sa session na 'yun, lalo akong naenganyong mag-Chem course! Oo nga pala, voted siya ng lahat ng participants as the BEST ACTIVITY kaya hindi ako biased.
END OF PART 3- To be continued....
No comments:
Post a Comment