Friday, September 12, 2008

Five Things to Know About Me - Set A

1) I really, really like Biology and Chemistry, and how much I like them equals how much I hate Physics. Malamang marami ng nakakaalam nito. Bio topics na talagang gusto ko ay Human Anatomy and Physiology (Bio 2 in short). Sa Chem naman, gusto ko yung mga topics na malayo sa Physics (eg. chemical reactions). Hehe.. peace mga Prob-Based P6 people.


2) I really, really like Detective Conan (manga and anime). Hindi ko alam kung bakit pero medyo naadik ako sa Detective Conan. Nakakatuwa kasing isipin na meron pa lang iba pang mga murder methods na mas brutal at creative kaysa mga ginagamit ngayon. Nakakasawa na kasi eh. Laging kutsilyo, o kaya naman baril.





3) I usually do not play computer games and all those other recreational stuff. Siguro ganito rin ang iniisip ng iba sa akin. Totoo naman iyon pero hindi dahil sa ayaw ko pero dahil wala naman akong resources and skills para doon. Sayang kasi sa pera eh kung bibili ng iPod o kaya PSP. Naisip ko na gamitin na lang iyon para sa mas makabuluhang bagay gaya ng pagkain. Kung ako naman kasi papipiliin, mas gusto ko ang pagkain kesa mga gadgets and stuff.



4) My favorite ice cream flavor is strawberry. Wala lang akong maidagdag kaya nasulat ko ito. Una ko siyang natikman noong nagbirthday pinsan ko at after kong matikman yon, sobra akong naadik kaya nagpabalik-balik ako. Lasa kasi siyang yogurt na masarap sa akin. Kaya nga nung Ramayana practice sa bahay ni Gaby, tuwang-tuwa ako kasi me strawberry ice cream. Kaya nga lang, nahiya ako kaya hindi ako kumuha ng marami :( Tapos kanina lang, nadisappoint ako dun sa strawberry ice cream na binebenta sa caf kasi wala siyang kalasa-lasa. Sayang diyes ko!!!



5) I also feel sad unlike what everyone says. Sabi nung iba, lagi daw akong masaya. Masayahing tao raw ako - walang emo moments ba. Kala lang nila iyon. Siguro, mga 15 minutes for three days in a week, nakakaramdam rin naman ako ng kalungkutan. Hindi iyong tipong dahil may mababa akong test pero dahil talagang nalulungkot ako. Yung tipong parang may kulang. Hindi naman talaga siya emo times. Moments of deep thinking. At habang ginagawa ko iyon, naglalakad ako around SHB ground floor. Usually, ito yung after dismissal kung kailan sarado na ang lib at yung mga kasamahan ko ay nasa dorm na. Doon ko talaga nararamdaman ang pag-iisa kasi wala ng pinanggagalingan ng interes.

No comments: