Tuesday, October 28, 2008

Tulang Pasalaysay

Heto ang tulang pasalaysay na ginawa ng group namin for Filipino :D!

HIKBI NG MGA PAHINA

Ano ang sinapit? Kawalan ng rikit!
Sa kapara’y ipit, sinala sa init.
Ito’y siyang hantungan, animo’y hurnuhan
Sa mga aklat na tila alamat na lamang.

Hiling ng nasadlak ay balikan ang lipas,
Sumagwan laban sa agos ng tadhana,
Bumalik sa diyos na nagbigay-buhay,
Bumalik sa among tunay na nagmahal.

Ako’y isang gabing walang buwan ni bituin.
Isip ng lumikha siyang tala sa dilim.
Kamay ang daan sa pagsalin ng buhay.
Tinta at panitik siyang naging patunay.

Sa kanyang tabi, ako ay naging tangi,
Namumukod sa baul ng yama’t salapi.
Hiniling sa langit na ako’y pakinggan.
Nawa’y manatili nang magpakailanman.

Bakit di tinupad yaring panalangin?
Ito’y isang bangungot, sana’y magising!
O panginoon, bakit ako’y nilisan,
At pinagpalit sa mga asul at dilaw?

Sa hurnuhang ito, ngayo’y nag-aabang
Sa kamay na pipinid sa kasalukuyan,
Tanglaw na bubuo ng kinabukasan.
Ako’y naghihintay, O tagapagligtas!

Ano itong namamasdang lumalapit?
Yaring pagkakuha, dala ba ay langit?
Kahong may laso siyang nagsilbing silid.
Ano kaya ang magiging danasin?

Sa yaring silid, ako ay inilabas.
Mukha ng isang bata, sa aki’y tumambad
Ngunit bakit ganito, ang mukha’y kunot.
Sa ere ay lumipad, semento ang lusot.

Sa papag ngayon ay hapis at pighati.
Inakalang tanglaw, isa palang dilim.
Hapdi’y nadarama tuwing masusulyap
Ang bagong among walang pakialam.

Ngayo’y nasa silid ng mga nilimot.
Sa tabi ay mga larua’t abubot.
Wari’y bumalik sa hurnuhang pinagmulan.
Mas masikip, mas mainit, mas nasasaktan!

At ang amo ay walang ginawa
Kundi maglaro at hindi magbasa.
Anong magagawa ng inayawan
Kundi masadlak sa impyerno’t mamatay?

Panaho’y lumipas, tila walang katapusan.
Tuluyan nang maglalaho sa kadiliman!
Ngunit ano ito? Isang silahis ng araw?
Muling sinilid sa ibang sisidlan.

Hiling ng sariling gula-gulanit na,
Nawa ay balutin ng pagkalinga.
Sana itong bagong tahanan
Ay katulad na ng sa nakaraan!

Isang kabaliwan ang dumagsa sa isip!
Isang kawalan pala ang tunguhin
Kung saan umaalingasaw ang samyo,
At nagsisiliparan ang mga insekto.

Walang duda na ang pag-asa’y lamat na lang.
Hindi na muling makababangon sa kinabagskan.
Ngunit ano itong namamasid na lumalapit?
Sa isang iglap, isang kamay ang sumalat sa akin.

Isang batang wari’y alikabok na malaki,
Punit ang damit, namumutiktik sa dumi.
Ang samyo’y katulad sa aking sisidlan.
O anong habag sa magkaparang kapalaran!

At sa sandaling iyon, ang mundo’y nagbunyi!
Isang aklat at isang gusgusi’y nagsanib.
Ang aklat kailanma’y di na nagpalipat-lipat.
Ang batang kumalinga di na napariwara.

Kinabukasan ay siya ng naisulat.
Ang aklat at bata’y bubuo ng isang bukas
At kasabay ng pagsatitik ng kasaysayan,
Naisusulat ang kapalaran ng sanlibutan!

Monday, October 27, 2008

DotA Experience

....... Wala na akong maisip na mai-post kaya ikukuwento ko na lang ang aking DotA experiences. Sa totoo lang, tatlong beses pa lang akong naglalaro at napakawalang kuwenta ako kung maglaro.......

....... Sa pagkakaalala ko, ang mga heroes na ginamit ko 'nung naglaro ako ay sina Rylai Crestfall (Crystal Maiden), Obsidian Destroyer, and Mirana Nightshade, at sa totoo lang, wala akong kaalam-alam kung papaano ba gamitin ang skills nila..........


....... Sa pagakakaalala ko, nakakalimang respawn ako bago maglevel-up. Sa madaling sabi, mas nakaka-consume ng time 'yung revival kaysa sa game proper itself. Ewan ko lang pero baka itong fast deaths ko ay dahil hindi ko rin alam ang mga items and recipes na dinadakdak ng mga kaibigan ko.........

....... Sa pagkakaalala ko, may isa akong ginawa 'nung naglalaro ako na hindi ko inasahan na hindi pala dapat gawin. Habang dinadala ko 'yung hero ko papunta sa aking mga kasama, napadaan ako sa may gitna ng battlefield. Ewan ko pero inatake ko na lang bigla 'yung kalaban doon nang hindi tinitignan ang stats niya. Huli ko ng nalaman na 'yun pala ay isang Level 25 na Roshan........

...... Sa pagkakaalala ko, nakapaglaro lang ako ng DotA dahil nilibre ako ng mga pinsan ko ng tatlong beses sa computer shop (isang oras), at iyung tatlong pagkakataon na 'yun lang ako nagDotA. Sayang kasi bente, eh. Pang-Buy One, Take One na hamburger sa may kanto namin, na lang sana........

...... Sa mga panahon na ito, isa raw akong Dota people sabi ng friend ko. I think second to the last level siya (last: DotA Newbie). Tapos sabi niya, sunod daw sa Dota people, ay masters tapos lords tapos god. Ewan.......

....... :D


Sunday, October 26, 2008

Ateneo SOSE Xperience - Part 4

.....
Ok! Lunch na ulit, at TGIF pa rin ulit ung pagkain. Sa pagkakaalala ko, chicken 'yung dish na may kasamang brownies. Lunches always complete the days. Tapos may libreng tumbler ulit kaya may paglalaruan na naman little brother ko. Gaya ng Day 1, naglibut-libot lang kami around Ateneo - usual locations - sa caf kung saan bumili ulit ako 'nung donuts, sa bookstore, etc. By 1 pm, nagstart na 'yung session.

Act. 3 - Mathematics

Haynaku! Boring session on Pascal's triangle but that's only the first part! 'Nung matatapos na 'yung session, nagkaroon ng card tricks concerning probability, and combinatorics, of course. Masaya siyang panoorin kaya nga lang kasi, hapon 'yung session, kaya sobra akong nagpipigil na matulog.

Act. 4 - Physics

'Eto na siya! Akala ko pa naman hindi kasama sa list ng activities. It turned I was wrong. Bakit kasi ito pa ang finale?!?! Subject was about optics and Three-Dimension. Di ko trip 'yung activity kaya sobra akong nagpaka-idle. Ang galing naman 'nung instructor. 20s pa lang ang age niya pero Ph. D. na siya in Physics tapos marami na rin siyang napuntahang countries.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Bago matapos nang tuluyan ang activity na ito, nagkaroon ng team-building activities. May paper na ipapasa sa lahat ng kasama tapos lahat lalagyan ng comment. Since mga 30 kaming nandun, sobrang nakakapagod magsulat nang paulit-ulit na "Good luck!", "May you have a good future!", and the like. Wala naman kasi akong naka-close sa kanila. Binigay sa amin 'yung yogurt culture, at paglabas namin, may pizza na nag-abang. Kay sarap talaga ng pagkain!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

-THE END!!-

Saturday, October 25, 2008

Ateneo SOSE Xpereience - Part 3

Day 2

Nalate ako ng mga 45 minutes kasi tinatamad akong gumising saka traffic 'yung papasok ng Ateneo. Umikot pa tuloy dad ko hanggang SM Marikina para lang maka-U-turn papunta sa Ateneo gate. Pagdating ko, marami ng tao at after 15 minutes, nagsimula na 'yung sessions. Buti nga may makakausap na ako noon. Ka-block ko na si Rachelle.

Act. 1 - Computer Science

WALANG KWENTANG SESSION! Pagkakaalala ko, pag-uusapan niya dapat HTML, tapos naging C++, tapos ewan, di ko na alam. Di ko siya marinig at di ko siya maintindihan. Nakipag-usap na lang ako sa katabi ko para hindi antukin. Bago umalis, naalala ko na naglalaro sila ng Tic-Tac-Toe sa computer and that's it! Oo nga pala. Kakaiba ang CS building nila kasi 'yun'yung pinakaluma. Sabi nila, 'yun pa raw 'yung pinakamatibay.

Act. 2 - Chemistry

Bago makarating sa room, naglakad kami sa isang walkway sa bubong ng isa pang walkway. Ang galing nga, eh. Akala ko hindi 'yun nilalakaran. Ang session na ito, walang duda, ang PINAKAMAKABULUHAN at PINAKAMASAYANG session!! Excellent topic + Excellent teacher = EXCELLENT!! Ang galing talaga ng instructor. Hindi ako inantok. Tuloy-tuloy magsalita. Hindi madaling nawawala sa track. Malakas ang boses. Marami siyang pinakitang Chem. activities gaya ng catalytic decomposition of hydrogen peroxide with iodine ions (maraming hydrogen/oxygen gas ang nagresult and trapped in bubbles), flash freezing using liquid nitrogen kung saan parang dinurog ng pino ang isang dahon, and changing balloon volumes by changing temperatures. Tapos may parang challenge kung saan merong isa sa amin ang patatayuin na may inverted cup of water. Hindi tumapon kasi meron pa lang powder na dinagdag sa cup na kapareho ng nasa diapers. The powder holds the water in place eventually solidifying it. Finally, the best of all activities - ICE CREAM MAKING! Cookies 'n cream completed my day tapos sobrang creamy niya kasi purong cream 'yung ginamit (walang gatas)! Dahil sa session na 'yun, lalo akong naenganyong mag-Chem course! Oo nga pala, voted siya ng lahat ng participants as the BEST ACTIVITY kaya hindi ako biased.

-

END OF PART 3- To be continued....

Friday, October 24, 2008

Ateneo SOSE Xperience - Part 2

.......

Sobrang late na itong post na ito kasi naman ginawa ko lang iyong part 1 para kumpletuhin ung ten posts. Since kailangan na naman ng additional 5 posts, itutuloy ko na ito hanggang katapusan.

So pagkatapos ng Bio activity, kumain kami ng lunch (Yey!). TGIF iyong food tapos unang beses kung makakain ng ganun. Sa pagkakaalala ko, ang kinain namin ay fish fillet, porkchop, and brownie. Masarap sila except masyadong matigas iyong porkchop. Tapos merong iced tea with free tumbler (Yay!). Between 12:00 - 1:00, naglibot-libot muna kami sa university - sa caf, sa bookstore, etc. Sa caf nakita ko 'yung isa sa favorite donuts ko na una kung natikman sa probinsya! Nung 1 pm na, nagresume na ulit 'yung discussions.

Act. 3 - Computer Science

The discussion's all about object-oriented programming - 'yung sinasabi ng kasama ko na napakalayo kumpara sa Javascript ko. Actually, para siyang tutorials on OOP kung saan real-life objects and events 'yung ginamit as mga elements noong OOP. It was just an introduction to the different elements of OOP - methods, objects, etc.

Act. 4 - Health Sciences

Topic is on Diet Planning.... at ano naman ang pakialam ko sa DIET!! Kain lang ng kain dapat!! Technically, the discussion was on the concept of a healthy diet - food groups, daily allowances, health statistics and trivia. One of the least enjoyble talks for this activity as a whole.

.....

4 pm na noong natapos 'yung Activity 4. Akala ko tapos na. Iyon pala - may pahabol na talk pa by Ateneo grads and their words on success and stuff - magis, overall excellence, failures, etc. Pagkatapos noon, meron isang team-building activity. Nagform kami ng circle tapos nagpaikot-ikot hanggang maging spiral. Tapos, kailang lumabasa ang bawat isa mula sa pinakaloob ng spiral palabas.

-End of Part 2- TO BE CONTINUED....